
Inanunsiyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagbubukas sa publiko ng Museo BSP.
Layon nitong ipakita ang kasaysayan ng bansa pagdating sa salapi o mula barter system patungong paggamit ng barya at banknotes.
Ayon sa BSP, libre ang admission at bukas mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 9:00 AM hanggang 4:00 PM maliban sa mga holiday.
Tumatanggap din sila ng walk-in visitors o ‘yung hindi hihigit sa 10 indibidwal habang sa August 1 naman magsisimula ang reservations para sa group tours.
Maaaring magtungo sa BSP Hub entrance sa bahagi ng Roxas Boulevard Service Road para sa mga gustong bumisita.
Facebook Comments