PAGBABAWAS NG WORKFORCE SA MGA ‘MOST-AT-RISK-EMPLOYEES’, IPINAYO!

Baguio, Philippines – Sa ipinasang Joint Memorandum Circular No. 20-04-A ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department Of Labor and Employment (DOLE), nakasaad ang paggamit ng Alternative Work Arrangements tulad ng Work-From-Home Schemes, limitadong oras ng trabaho, at altenatibong work schedules para sa mga establisimyento o mga nagpapatrabahong may mga empleyadong señior citizens, mga buntis, o nakararanas ng ilang sakit sa katawan tulad ng Asthma, Diabetes at Hypertension.

Nakasaad din sa memorandum na maari pa din magtrabaho ang mga nabanggit ngunit kailangang magpakita ang mga ito ng certification na nagpapatunay na kaya nilang magtrabaho base sa kanilang kondisyon at magkakaroon ng limitadong galaw o physical contact sa mga katrabaho, kliyente at mga customers.

Inaasahan ng DTI at DOLE na hindi lahat ay makakasunod sa naturang abiso ngunit pinapaalalahanan pa din ang lahat na kailangan pa din gawin ang nararapat upang maiwasan ang pagkakasakit at malabanan ang suliraning hinaharap ng bansa, na nakasaad sa panghuling bahagi ng memoradum circular.


Facebook Comments