Pagbagal ng ekonomiya ng Pilipinas, ikinalungkot ng Palasyo

Nalulungkot man ang Palasyo sa naging ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa naging contraction ng ekonomiya ng bansa ay kumpiyansa naman itong unti-unti nang nakakabawi ang ating ekonomiya mula sa dagok na dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa PSA report, nakapagtala ng 11.5% contraction sa ating gross domestic product ngayong third quarter ng 2020 na bahagyang improvement mula sa 16.9% na pagbagal ng ekonomiya noong 2nd quarter ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, kaya naman bumagal ang ating Gross Domestic Product (GDP) ay bunsod ng ipinatupad na lockdown.


Pero sabi nga ng kalihim, “the worst is over” dahil wala nang ipinatutupad na lockdown ngayon at unti-unti nang nagbabalik ang mga negosyo resulta nang unti-unti ring pagbuhay sa ating ekonomiya.

Umaasa rin ang Palasyo na makababawi ang ekonomiya sa susunod na buwan dahil sa mga interbensyong ginagawa ng pamahalaan sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments