Pagbaha dahil sa Pag-uulan, Naranasan ng ilang Barangay sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Nakaranas ng pagbaha ang ilang bahagi ng Brgy. Cabisera 23, City of Ilagan, Isabela.

Ito ay bunsod ng nararanasang pag-uulan dulot ng Low Pressure Area (LPA) batay sa tala ng PAGASA.

Ayon sa isang residente na si Ginang Sheila Maltu, pumasok na sa loob ng bahay ang ilang tubig ulan dahilan para magputik ang ilang parte ng kanilang tahanan.


Aniya, matagal ng problema ang pagbabaha sa kanilang lugar kapag nakakaranas ng tuloy-tuloy na pag-uulan at dahil na rin sa kawalan ng kanal na siyang mapagdadausan ng mga tubig ulan.

Posible naman aniya na umapaw pa ang tubig sa ilang kabahayan kung magtutuloy ang nararanasang pag-uulan.

Hiling naman ng ilang residente sa lugar ang maaksyunan at magkaroon ng maayos na daluyan ng tubig para hindi na maranasan ang pag-apaw ng tubig.

Facebook Comments