PAGBAHA SA BAHAGI NG SITIO GUIBANG, BARANGAY PANTAL, AAKSYUNAN

Aaksyunan at hiningan na rin ng tulong mula sa Department of Public Works and Highways ang pagsasagawa ng daanan sa bahagi ng Sitio Guibang, Barangay Pantal, Dagupan City.

Ito ay matapos na dinggin ang makailang daing na ng mga residente roon ukol sa pagbaha sa lugar dulot ng hightide.

Marami na rin umano kasing nadudulas sa nasabing daanan dahil sa lumot na naiiwan sa tuwing umaapaw ang tubig sa mga fish pen.

Pinuntahan at ininspeksyon naman ito ng lokal na pamahalaan kasama ang City Engineering Office at DPWH.

Nakatakdang pataasin ang nasabing daanan upang maiwasan na ilang aksidente at mga sakit na maaaring makuha sa umaapaw na tubig dulot ng hightide. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments