Pagbasura ng Korte Suprema sa petisyon laban sa isinagawang sesyon noong June 3, pinagtibay na may legal na batayan ang Senado

Pinagtibay ng Korte Suprema na nasa “solid legal ground” ang isinagawang sesyon noong June 3 kung saan naihalal si Senate President Sherwin Gatchalian sa pwesto matapos makakuha ng 12 boto sa mga senador laban sa noo’y Senate President at ngayo’y Minority Leader Alan Peter Cayetano.

Ang reaksyon ay matapos ibasura ng Korte Suprema ang petisyong kumukwestyon sa legalidad ng isinagawang sesyon.

Ayon kay Senator Ping Lacson, nakatitiyak siya na may legal na batayan ang pag-reorganisa noon ng Senado at paghahalal kay Gatchalian bilang acting Senate President at patunay dito ang desisyon ng Korte Suprema na nagpatibay sa kanilang aksyon.

Tinukoy ni Lacson na idineklara ang quorum batay sa numerong 22 dahil dalawa sa mga senador noong panahon na iyon ang wala na sina Senators Bato dela Rosa at Jinggoy Estrada salig na rin sa ruling ng Supreme Court sa Avelino v. Cuenco case.

Malinaw din ang kanilang aksyon na hindi muna inihalal bilang Senate President noon si Gatchalian dahil kailangan dito ng 13 boto ng mga myembro.

Facebook Comments