Pamahalaan, sasagutin ang P60 na dagdag-pasahod ng mga kwalipikadong MSMEs —Malacañang

Sasagutin ng pamahalaan ang ₱60 na dagdag-pasahod sa mga manggagawa ng kwalipikadong micro, small and medium enterprises o MSMEs sa Metro Manila sa loob ng tatlong buwan.

Sa ilalim ng Sagip Trabaho Program ng Department of Labor and Employment o DOLE, sasagutin ng gobyerno ang wage increase mula Oktubre hanggang Disyembre para matulungan ang mga maliliit na negosyo na makasabay sa bagong minimum wage.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, layunin nitong maiwasan ang tanggalan ng mga manggagawa at pagsasara ng negosyo habang nag-a-adjust ang mga MSME.

Maaaring umabot sa P140,000 ang matatanggap na subsidy ng isang kwalipikadong maliit na negosyo sa loob ng tatlong buwan.

Ipinatutupad ang programa matapos itaas sa P755 mula P695 kada araw ang minimum wage sa Metro Manila para sa non-agricultural workers.

Samantala, P718 mula P658 naman ang bagong minimum wage para sa agriculture, retail at service establishments na may 15 o mas kaunting empleyado.

Tinatayang 1.1 milyon minimum wage earners sa Metro Manila ang makikinabang sa wage increase.

Facebook Comments