Pagbasura ng SC sa quo warranto petition laban kay Pangulong Duterte, hindi na ikinagulat ng Malacañang

Manila, Philippines – Walang duda ang Palasyo ng Malacañang na ibabasura ng Korte Suprema ang Quo Warranto Petition laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na inihain ni Atty. Ely Pamatong.

Layon ng nasabing petisyon na patalsikin si Pangulong Duterte sa posisyon dahil sa teknikalidad noong 2016 Presidential Elections.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, masaya sila sa naging desisyon ng Korte Suprema pero noon pa man ay alam na aniya ng Malacanang na walang legal na basehan ang petisyon ni Pamatong sa kataas taasang hukuman.


Sinabi ni Panelo na sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na opisyal na kopya ng desisyon pero kung ibabase aniya sa mga reports ay nabasura ang pitisyon dahil sa kawalan ng legal standing at lagpas narin sa tinatawang prescriptive period.
Binigyang diin din naman ni Panelo na walang karapatan si Pamatong na magsampa ng Quo Warranto Petition dahil ang Solicitor General lang ang may karapatang gawin ito.

Facebook Comments