Pinagtibay ng Court of Appeals ang pagbasura nito sa kasong administratibo laban kay dating Makati City Mayor JunJun Binay kaugnay ng sinasabing anomalya sa pagpapatayo ng Makati City Hall Building 2 Project.
Ibinase ng Appellate Court sa kanilang ruling ang tinatawag na “Condonation Doctrine” kung saan pinapatawad na ang isang opisyal ng gobyerno na muling mahahalal sa pwesto.
Nag-ugat ang kaso laban kay Binay sa P2.28-Billion na halaga ng Makati City Hall Building.
Noong Oktubre 2015, tinanggal ng Ombudsman sa pwesto si Binay matapos mahatulang guilty sa kasong grave misconduct at intellectual dishonesty nang itayo ang kontrobersyal na gusali.
Binaligtad ng CA ang dismissal ni Binay sa serbisyo noong May 2018 gamit ang condonation doctrine
Si Binay ay nahalal bilang Mayor ng Makati noong 2010 at muling nahalal na Alkalde noong 2013.