Pagbatikos ng isang DENR official sa UP experts, ‘Uncalled for’, ayon kay VP Robredo

199

“Totally Uncalled for”

Ito ang pahayag ni Vice President Leni Robredo matapos mabatikos si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda nang sabihing ‘bayaran’ ang mga biologist ng University of the Philippines (UP) na nagmungkahing magtamin ma lamang ng bakawan sa Manila Bay sa halip na tambakan ng dolomite sand.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na dapat magsilbing halimbawa ito sa lahat na maghinay-hinay sa pagsasalita.

“Lesson ito sa ating lahat—hindi lang sa public officials, pero pati sa mga ordinaryong tao—na hinay-hinay sa pagsalita, kasi mayroon kang mga nabibitawan na mahirap nang ibalik,” ani Robredo.

Binigyang diin ni Robredo na hindi nararapat na hindi igalang ang mga eksperto.

“Lahat naman na research would entail expenses. Iyon iyong dahilan kung bakit nagbabayad iyong gobyerno sa research. Pero ito, ito, dahil sa pagkapikon, magsasabi ka ng mga bagay na, una, hindi dini-deserve,” dagdag ng Bise Presidente.

Una nang humingi ng paumanhin si Antiporda sa kanyang pahayag at tinanggap ito ng UP Marine Science Institute.




Facebook Comments