PDEA, sisirain ang mga natitirang nakumpiskang droga sa November 26

40
Photo Courtesy: DW

Nakatakdang sirain ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa November 26, 2020 ang natitirang nasa 1.5 tons ng nakumpiksang droga na nasa kanilang bodega.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, nasa 1.39 tons mula sa kabuuang 2.9 tons ng assorted solid dangerous drugs ang kanilang sinira nitong nakaraang linggo.

“May natitira pa tayo na 1.5 tons of dangerous drugs na susunugin naman natin sa November 26,” sabi ni Villanueva.

Sinabi ni Villanueva na magiging zero inventory ng ilegal na droga ang PDEA, na kauna-unahan sa kasaysayan ng ahensya.

Bago ito, nakapagsira ang PDEA ng nasa ₱14 billion na halaga ng ilegal na droga na nakalagay sa kanilang evidence room.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na sirain ang lahat ng nakukumpiskang shabu upang maiwasan itong ma-recycle.

Facebook Comments