Pagbawas ng allowance ng mga guro, inalmahan sa Kamara

Umalma si ACT Teachers Rep. France Castro sa pag-alis ng hiwalay na allowance mula sa Special Education Fund o SEF para sa mga public school teachers.

 

Bunsod ito ng pagdepensa na rin ni Education Secretary Leonor Briones sa pag-alis ng allowances sa mga DepEd-hired teachers at sa pagsasabing hindi "underpaid" ang mga guro.

 

Sinabi pa ni Briones na malayo sa katotohanan na hindi well compensated ang mga public school teachers at sapat na ang natatanggap ng mga ito mula sa general fund.

 

Giit ni Castro, nakakalungkot aniya na hindi alam ng kalihim ang paghihirap at sakripisyo ng mga guro sa kabila ng mababang sweldo at limitadong benepisyo.

 

Paalala ni Castro, hindi dapat tanggalin ang SEF na isa pang pinagkukunan ng allowance ng mga guro na kadalasang ginagamit para sa pambili ng instructional materials, school supplies, at iba pang kagamitan sa silid aralan para sa pagtuturo.




Facebook Comments