Manila, Philippines – Isinusulong ni Baguio City Rep. Mark Go ang pagbabawas ng araw ng trabaho ng mga empleyado.
Sa House Bill 5068 na inihain nito, layong dagdagan ang oras ng trabaho para malimitahan naman ang araw ng pasok ng mga manggagawa.
Sa ilalim ng panukalang Compressed Work Week Scheme, ay babawasan ang araw ng trabaho mula sa normal na 6 na araw ay pwedeng gawing 4 o 5 araw.
Ayon kay Go, hahaba naman ang oras ng ipapasok sa isang araw dahil kailangan pa ring kumpletuhin ang 48 working hours kada Linggo.
Pinakalayunin ng panukala na magkaroon ng mahaba-habang araw ng pahinga at oras sa pamilya ang mga empleyado.
Sa ganitong paraan, mababawasan rin ang kanilang gastos sa pamasahe at baon.
Binibigyang halaga ng kongresista sa panukala ang kahalagahan ng balanced work-life sa kalusugan at pagiging produktibo ng isang empleyado.
DZXL558