Pagbebenta ng COVID-19 booster shot, mahigpit na ipinagbabawal – FDA

Muling nagpaalala ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga pribadong sektor na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagbebenta ng COVID-19 booster shot.

Ayon kay FDA Director-General Eric Domingo, hanggang ngayon ay may naririnig pa rin silang mga ospital at pribadong kompanya na nag-aalok ng booster shot sa ilang indibidwal.

Giit ni Domingo, hindi pa inaaprubahan ng pamahalaang ang pagbibigay ng booster shot dahil limitado pa rin ang suplay ng bakuna.


Dagdag pa nito, hanggang sa kasalukuyan ay gobyerno pa lang ang pwedeng bumili ng bakuna mula sa mga vaccine manufacturers.

Aniya, kinakailangan pa ring nakalinya ang mga private companies sa program at guidelines ng Department of Health (DOH) kapag tumutulong sila sa vaccination program ng pamahalaan.

Facebook Comments