Iginiit ng Department of Health (DOH) na labag sa batas ang pagbebenta ng parte ng katawan ng tao o Organ Sale.
Ito’y matapos ang lantarang pagbebenta at pagbili ng kidney sa social media.
Pero aminado si DOH Philippine Organ Donation and Transplantation Program Director, Dr. Francis Sarmiento, hindi biro ang pagsawata sa mga ganitong ilegal na bentahan ng kidney online.
Target ngayon ng DOH na mapaigting ang kampanya para mapalawak ang kaalaman at pagtanggap ng publiko sa Organ Donation.
Dapat ding higpitan ang pagtutok sa illegal Organ Sale.
Ang presyuhan kasi sa kidney ngayon, umaabot na sa 250,000 hanggang kalahating milyong piso.
Malaking bahagi nito ay napupunta sa Ahente o Middleman.
Facebook Comments