Pagbibigay Insentibo para sa mga Senior Citizens na Edad 95 Pataas, Ipinanukala!

40

*Cauayan City, Isabela- *Inihain ni City Councilor Rufino Arcega sa konseho ang panukalang magbibigay ng tulong para sa mga centenarian na edad 95 hanggang 100 taong gulang.

Ayon kay Coun. Arcega, ito ay upang kilalanin ang malaking ambag ng mga senior citizen sa lipunan kung kaya’t marapat lamang na mabigyan ng ayuda ang mga ito.


Kaugnay nito, batay sa ipinanukalang ordinansa, makakatanggap ng sampung libo (P10,000.00) kada taon ang sinuman na makakaabot ng 95 taong gulang.

Habang mabibigyan naman ng limampung libo (P50,000.00) ang makakaabot ng 100 taong gulang maliban pa sa P100,000.00 na ibibigay ng pamahalaan.

Umaasa naman si Coun. Arcega na maipapasa rin ito na higit na babalikat para sa mga centenarians.

Facebook Comments

From Advertisers