Top 2 Most Wanted sa Nueva Vizcaya, Arestado!

34

*Cauayan City, Isabela-* Hawak na ng mga alagad ng batas ang top 2 most wanted person sa buong Lalawigan ng Nueva Vizcaya matapos mahuli sa bahagi ng Primark, Brgy. Calaocan, Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj.Jobs Videz, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) ang akusado ay nakilalang si Byron Lampa aka ‘Bayron’, 24-anyos at residente ng Brgy Banggot, Bambang, Nueva Vizcaya.


Naaresto si alyas Bayron sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hukom Cicero B Jandoc, Presiding Judge ng RTC Br 29, Bayombong ng nasabing Lalawigan na may criminal case # 10914 sa kasong robbery na may inirekomendang P100, 000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Pansamantalang nasa piitan ng Bambang Police Station ang akusado para sa d okumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers