Binigyan na ng go signal ng Department of Health (DOH) ang booster at karagdagang shots ng COVID-19 vaccines para sa mga healthcare worker, matatanda ngayong 2021 at eligible priority groups sa 2022.
Ito ay rekomendasyon ng Health Technology Assessment Unit (HTAU) at kalaunan at inaprubahan ni Health Secretary Francisco Duque III.
Nakasaad dito na ibibigay lamang ang booster shots sa ikaapat na kwarter ng taon at kailangang anim na buwan na ang natapos magmula nang matanggap ang second dose.
Itinutulak din ng HTAC ang pormal na implementasyon ng boosters para sa 2022.
Maliban sa booster, isinusulong na ang karagdagang shots para naman sa mga indibidwal na nakakumpleto na ng bakuna kahit 18 araw pa lamang ang nakakalipas.
Facebook Comments