Naniniwala si Vice President Leni Robredo na hindi kailangang bigyan ng Emergency Powers si Pangulong Rodrigo Duterte para linisin ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sa Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na bagama’t maraming problema ang kinahaharap ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic, hindi laging sagot ang Emergency Powers para solusyunan ito.
Karamihan din aniya sa mga opisyales ng pamahalaan ay hindi pabor na bigyan ng Emergency Powers si Pangulong Duterte kaya dapat munang pag-aralan itong mabuti bago gawin.
Facebook Comments