Lungsod ng Taguig, may 100 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang lungsod ng Taguig ng karagdagang 100 na kumpirmadong kaso ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, muling umakyat sa 5,264 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ngayong araw.

Nadagdagan din ng 91 ang bilang recoveries kahapon, kaya naman umabot na ang kabuuang bilang nito ngayong araw ng 4,834.


Nananatili naman sa 44 ang mga bilang ng nasawi sa lungsod nang dahil sa virus at 385 ang kabuuang bilang ng active COVID-19 cases.

Ang nasabing datos ay mula sa Taguig City Epidemiology and Disease Surveillance Units (CEDSU).

Facebook Comments