Pagbibigay ng gratuity pay sa mga contractual at job order government workers, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Makakatanggap ng one-time gratuity pay ang mga contractual at job order workers ng gobyerno.

Ito ay matapos na aprubahan kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Admnistrative Order No.3.

Kung saan, lahat ng mga contractual at job order workers ng gobyerno na nakapagsilbi nang at least apat na buwan as of December 15, 2022 at valid pa rin ang contract sa nasabing petsa ay makakatanggap ng one-time gratuity pay na hindi bababa sa ₱5,000.


Ang pag-apruba ng year-end gratuity pay para sa mga contractual at job order workers ng gobyerno ay upang kilalanin ang kanilang kasipagan sa pagpatupad nang kanilang tungkulin para maihatid ang proyekto at programa sa taong bayan sa harap pa rin ng COVID-19 pandemic at kasalukuyang socio-economic challenge.

Sa mga contractual at job order workers naman ng gobyerno na hindi bababa sa apat na buwan ang actual satisfactory performance of service, makakatanggap din sila ng one-time gratuity pay na hindi bababa sa ₱4,000.

Sa mga tatlong buwan na hindi bababa sa apat na buwan na actual satisfactory performance of service, ay makakatanggap nang hindi bababa sa ₱3,000.

Dalawang libo naman para sa mga contructual at job order workers ng gobyerno na nagsilbi ng hindi bababa sa dalawang buwan.

Sakop ng kautusan ang mga empleyado na direkta sa contructual at job order ng national government agencies (NGAs), state universities and colleges (SUCs), government-owned and controlled corporations (GOCCs) at local water districts.

Maaari namang i-adopt ng mga LGU ang pagbibigay ng gratuity pay sa kanilang mga contractual at job order workers.

Facebook Comments