Ikinokonsidera na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbibigay ng libreng COVID-19 tests sa mga mag-aaral na dadalo sa face-to-face classes.
Kasunod ito ng pag-apruba ng lokal na pamahalaan na makapagsagawa na ng face-to-face classes ang University of Santo Tomas (UST), University of the Philippines-Manila, Our Lady of Fatima University-Valenzuela at Ateneo de Manila University sa gitna ng banta ng COVID-19.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ito ay para magkaroon ng peace of mind ang mga mag-aaral dahil sa banta ng virus.
Welcome naman para kay Moreno ang pagpapasa pa ng aplikasyon ng ibang unibersidad sa Manila na may kaugnayan sa medisina para makapagsagawa ng face-to-face classes.
Magiging tulong kasi aniya ito sa bansa para magkaroon pa ng mas maraming health workers sa gitna ng pandemya.