Brazilian President Jair Bolsonaro , pina-iimbestigahan ng prosekusyon kasunod ng COVID-19 outbreak sa Manaus City

98

Kasalukuyang nagsasagawa ng preliminary investigation ang Brazil’s Prosecutor-General laban kay President Jair Bolsonaro at Health Minister Eduardo Pazuello.

Ito ay matapos ang nangyaring COVID-19 outbreak sa siyudad ng Manaus kung saan nakakaubusan sa suplay ng oxygen ang mga ospital.


Dahil dito, nagpadala ng investigation request si Prosecutor-General Augusto Aras kay Supreme Court Justice Ricardo Lewandowski tungkol sa posibleng pagpapabaya nina Bolsonaro at Pazuello.

Una nang hinimok ng Brazilian Health Workers ang International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang administrasyon ni Bolsonaro dahil sa mabagal at hindi tamang pagresponde nito sa nagpapatuloy na pandemya.

Facebook Comments