Pagbibigay ng libreng toll sa healthcare workers na gumagamit ng mga expressway sa bansa, pinalawig pa

Mas pinahaba pa ang pagbibigay ng libreng toll sa mga healthcare workers na gumagamit ng mga expressway sa bansa.

Ito ay habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang Mayo 15.

Sa abiso ng San Miguel Corporation, libreng makakagamit ng South Luzon Expressway, Star Tollway Expressway, NAIA Expressway, Skyway at Tarlac Pangasinan Expressway ang lahat ng mga medical frontliner.


Bukod sa libre sa toll, inilaan din ang mga electronic card lane upang mas mabilis na makakadaan ang mga ito ng walang aberya.

Kinakailangan lamang daw magtungo sa opisina ng medical frontliners na matatagpuan sa mga expressway.

Pero nilinaw ng San Miguel Corp., isang sasakyan lamang ang maaaring malibre sa paggamit ng toll at kinakailangang irehistro ito sa kanila para makuha ang plate number.

Payo nila, hindi daw nila papayagan na ilibre ang mga healthcare workers na mayroong sasakyan na dalawa o higit pa.

Facebook Comments