Mga nakolektang dibidendo mula sa GOCCs, maayos na ginagamit ayon kay PBBM

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na nagagamit ng maayos ang mga dibidendong inire- remit ng mga Government Owned and Controlled Corporation (GOCCs) sa pamahalaan.

Ayon sa pangulo, maingat na ginagamit ang buwis ng publiko at napupunta ito sa iba’t ibang programa at proyekto ng gobyerno.

Bukod dito, ginagawa rin aniyang puhunan para sa mga programang lumilikha ng mga trabaho at nagbibigay ng mga oportunidad ang mga makukuha ng pamahalaan sa GOCCs.


Dagdag pa ng pangulo na ang mga dibidendo ay hindi ipinapadala sa gobyerno para itago, kundi para mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.

Facebook Comments