Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na bawal ang pagbibigay ng numbering sa mga botante na pumipila sa polling centers.
Ayon kay Comelec Comissioner George Garcia, sa ganitong sistema kasi ay maaaring may pinapaboran na kandidato.
Nilinaw rin ni Garcia na hindi bawal ang pagdadala ng kodigo o sample ballot sa loob ng presinto.
Hindi rin aniya bawal ang pagdadala ng cellphone sa loob ng polling center kung saan dito nakasulat ang listahan ng mga iboboto ng botante.
Ang mahigpit aniyang ipinagbabawal ay ang pagkuha ng larawan sa sinagutang balota at sa resibo dahil maaari itong magamit sa vote buying.
Nagpaalala si Garcia na isa hanggang anim na taon na pagkakakulong ang magiging parusa sa lalabag sa nasabing election offense.
Facebook Comments