Iginiit ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na pinahihintulutan nila ang pagpuputol ng puno upang bigyang Daan ang mga programa ng pamahalaan.
Sa virtual presser ng PIA Pangasinan, inilahad ni Pangasinan Provincial Environment and Natural Resources Office, Forester Raymond Rivera, na ang mga programang naka-angkla sa prayoridad na national projects ay binibigyan nila umano ng permit.
Tulad na lamang ng mga kalsada at iba pang pasilidad.
Nilinaw naman ni Rivera na sinisiguro nilang mapapalitan ang mga ito.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa tanggapan ng DPWH na madalas mangasiwa sa mga road widening projects pati na rin sa Department of Energy.
Mahigpit naman umano ang kanilang pagbabantay sa sinumang lalabag sa itinakda ng batas ukol sa ilegal na pagpuputol ng puno.
Kamakailan, naging usap-usapan ang pagputol ng mga puno sa paligid ng Provincial Capitol sa Lingayen upang bigyang daan ang konstruksyon ng Capitol Complex, na agarang pinawi ng pamahalaan na ito ay pinag-aralan at mga endemic lamang na puno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨