Pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN, suportado ni VP Robredo

Suportado ni Vice President Leni Robredo ang panukalang buhayin ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na marami pa ring lugar sa bansa na wala o limitado ang access sa internet ang nakadepende pa rin sa telebisyon o sa mismong network para sa mahahalagang impormasyon.

Malaki aniya impact ng ABS-CBN shutdown sa bawat buhay ng mga Pilipino.


Pero naniniwala rin si Robredo na kailangan pa ring maparusahan ang mga network kung mapatunayang nilabag nila ang probisyon ng kanilang nakaraang prangkisa.

Gayumpaman, umaasa ang Bise Presidente na mabibigyan ng pagkakataon ang network na ma-renew ang kanilang prangkisa.

Nanawagan din siya sa mga mambabatas na tanggalin ang personal vendetta kapag gagawin ang pagdinig sa prangkisa ng network.

Facebook Comments