Manila, Philippines – Tiniyak ng mga kongresista na mapapatawan ng mas mataas na parusa ang mga employers na lumalabag sa pagbabayad ng tamang minimum wage.
Kasunod nito ay bumuo na ng technical working group ang House Committee on Labor na mangangasiwa sa pagbalangkas ng batas para sa mas mahigpit na parusang ipapataw sa mga lumalabag na employers.
Sa naging pagdinig sa Kamara, una nang inamin ni Deputy Executive Director Patricia Hornilla ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) na walang sapat na manpower ang ahensya para imonitor ang pagsunud ng mga employer sa minimum wage law.
Lumalabas na sa mahigit siyam na raang libong establisyimento, nasa 15% lamang ng kanilang Labor Laws Compliance Officers (LLCOs) ang naiinspeksyon kada taon.
Sinabi ni Akbayan Rep. Tom Villarin na kahit pa man hindi natatanggap ng mga empleyado ang tamang pasahod ay hindi umaangal dahil mas takot silang mawalan ng trabaho.
Maliban sa tamang pasahod ay titiyakin ng ng Kamara na maitatama ang maling kalakaran sa hindi pagbabayad ng mga employers sa iba pang benepisyong dapat matanggap ng mga empleyado tulad ng Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at Home Development Mutual Fund or PAG-IBIG Fund.
DZXL558