Sisimulan na ngayong araw ng Las Piñas City government ang pagbibigay ng unang booster shots laban sa COVID-19 para sa lahat ng edad 12 hanggang 17.
Para sa mga kukuha ng booster shot, dapat dalhin ang kanilang vaccination card na nagpapakita ng kanilang una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine at valid ID habang medical certificate naman sa mga immunocompromised individuals.
Dapat ding dala ang valid identification cards ng magulang o guardian at dokumento na magpapatunay ng relasyon nila sa menor de edad na babakunahan.
Kabilang sa mga vaccination site para sa nabanggit na age group na magbubukas mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali ay ang SM Southmall.
Magsisimula naman ang bakunahan alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa UPHSD, Villar Sipag old house, at sa covered courts ng Gathcalian, Bambusetum, Almanza Uno, Golden Acres, Verdant, at TS Cruz.
Mula naman alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-5:00 ng hapon ang bakunahan sa SM center, Robinsons mall at Village Square.
Nakikiusap ang lokal na pamahlaaan ng Las Piñas sa mga magulang o guardian na samahan at gabayan ang mga bata sa araw ng kanilang bakuna, dalhin ang kailangang requirements at tiyakin na nakatanggap ng text confirmation bago magtungo sa mga itinakdang vaccination sites.
Paalala rin ng Las Pinas Local Government Unit sa lahat ng magtutungo sa vaccination sites na manatiling mag-ingat at sumunod sa health at safety protocols.