Pagbibitiw ng ilang gabinete ng administrasyong Marcos at mataas na presyo ng mga bilihin, tinitimbang ng isang political analyst sa unang 100 araw ni PBBM

Maituturing ng isang political science professor na hindi sang-ayon ang publiko sa naging ang pahayag ni PBBM na kaniyang ang tagumpay sa unang 100 araw sa panunungkulan ay ang pagtatatag ng isang “functional government”.

Ayon kay University of Santo Tomas (UST) Professor Dennis Coronacion, maraming inaasahan ang publiko mula na mahalal siya bilang pangulo ng Pilipinas.

Maraming Pilipino aniya ang umaasa na malulutas ng pangulo ang mga problema na kinakaharap ng bansa gaya ng COVID-19 pandemic at pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.


Dagdag pa ni Coronacion, ang pagbitiw ng ilang gabinete niya bago ang kaniyang unang 100 araw sa panunungkulan ay posibleng lumikha ng impresyon na hindi niya kontrolado ang kaniyang mga kaalyado.

Nabatid na tuluyan nang umalis si dating Executive Secretary Atty. Victor “Vic” Rodriguez sa administrasyong Marcos, habang nagbitiw na sa kani-kanilang pwesto sina Atty. Trixie Cruz-Angeles bilang Press Secretary at Jose Calida bilang naman Chairman ng Commission on Audit (COA).

Iniisip din ni Coronacion na hindi isang matalinong hakbang ang desisyon ni Pangulong Bonbong Marcos na pamunuan ang Department of Agriculture (DA).

Facebook Comments