MANILA – Ipinupursige ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) ang pagbibitiw sa puwesto ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Patricia Licuanan.Ayon kay Kevin Castro, spokesperson ng NUSP, ito ay dahil na rin sa patuloy na pagiging anti-student at pro-capitalist ni Licuanan bunsod ng mga polisiyang ipinatutupad nito sa CHED.Dagdag pa ni castro, manipestasyon si Licuanan kung paano pino-protektahan ng mga nasa kapangyarihan ang interes ng mga abusadong kapitalista.Wala rin aniyang ginawa si Licuanan para mapigilan ang pagtataas ng matrikula at iba pang school fees na mistulang idinikta ng “capitalist educators.”
Facebook Comments