Pagbili muli ng COVID-19 vaccines, pinag-aaralan ng gobyerno

Napagusapan sa isinagawang multi-sectoral meeting sa Malacañang ang pagbili muli ng COVID-19 vaccines ng gobyerno.

Ito ay kinumpirma mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Aniya, pababa nang pababa ang kaso ng COVID-19 at maging ang hospitalization rate kaya sa ngayon ay hindi na kailangang magmadali para makakuha ng vaccines.


Mayroon naman aniyang pinadala sa Pilipinas ang COVAX Facility na pinamumunuan ng World Health Organization (WHO) na halos 1.3 million doses vaccine.

Sapat na aniya ang bilang na ito sa bansa dahil bumaba ang kaso ng COVID-19.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) noong January 29, nakapagtala sila 9,982 active COVID-19 cases at mababa na ito kung ikukumpara ng mga nakalipas na taon at buwan.

Facebook Comments