Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pinangunahan ang pagharap sa mga bagong ambassador ng Canada at Omani sa Malacañang

Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang credentials ng dalawang bagong talagang ambassadors ng Canada at Omani sa magkahiwalay na okasyon sa Malacañang.

Sa Facebook post ng Office of the President, personal na hinarap ng presidente ang bagong ambassador ng Canada sa Pilipinas na si His Excellency David Bruce Hartman.

Kasama ring tinaggap ng pangulo si Omani Ambassador His Excellency Nasser Said Abdullah Al Manwar.


Nagpahayag naman ng pag-asa ang dalawang envoy para sa mas maganda pang diplomatic relations ng kani-kanilang bansa sa Pilipinas.

Nangako rin na magtutulungan para makamit ang mas malakas pang bilateral ties ng kanilang bansa sa Republika ng Pilipinas.

Facebook Comments