Manila, Philippines – Ibinigay pa rin ng buo sa Department of Health o DOH ang hiningi nitong budget para immunization program sa 2018.
Pero ayon kay Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda, may partikular na probisyon sa 2018 General Appropriations Act o GAA na nagbabawal sa DOH na bumili ng bakuna laban sa dengue.
Kasunod ito ng kontrobersiyal na pagbili ng Aquino administration ng anti dengue vaccine na Dengvaxia na ibinigay sa 830,000 bata at ilang pulis sa Quezon City.
Kamakailan lang ay lumabas ang clinical findings ng pharmaceutical company na Sanofi na nagsasabing posibleng makasama sa kalusugan kapag ang binigyan ng dengvaxia ay hindi pa tinatamaan ng sakit na dengue.
Mahigit 171 billion pesos ang budget ng DOH sa 2018 GAA at 51.59 billion pesos dito ay para sa pagbili ng mga gamot, bakuna at mga medical at dental sullies na ipamamahagi ng mga government health care facilities.