Pinayagan na ng Department of Health (DOH) ang mga opisyal at mga lokal na pamahalaan na bumili ng COVID-19 investigational drugs na may Emergency Use Authorization (EUA).
Para ito sa mabilis na pagkuha ng suplay at magagamit din bilang gamot sa mga nahawa sa COVID-19.
Batay sa kautusan, dapat ay may rekomendasyon ang bibilhing investigational drugs mula sa eksperto at Health Technology Assessment Council.
Hindi rin dapat mas mababa o mas mataas ang presyo nito sa whole sale price at dapat mabili sa pamamagitan ng PhilHealth.
Sa ngayon, tanging ang anti-body treatment na Ronapriv pa lamang ang nakakuha ng EUA sa Food and Drug Administration (FDA).
Facebook Comments