Pagbili ng umano’y bakuna kontra sa Japanese encephalitis, dapat maging maingat ayon sa Food and Drug Administration

Manila, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga binebentang bakuna kontra sa Japanese encephalitis sa social media.

Batay sa abiso ng FDA, mababang kalidad, hindi pasado sa standards, o peke ang mabiling bakuna mula sa mga nagtitinda online at sa mga hindi awtorisadong distributor.

Ayon kay Health Undersecretary Gerardo Bayugo – sa pharmacy dapat bumili ng bakuna at dapat may preskripsiyon.


Aniya, may inirerekomendang paraan ng storage sa vaccine at maaring makompromiso ang bisa nito kapag hindi ito nasunod.

Facebook Comments