Pagbisita ni Pangulong Duterte sa Marawi City, pinuri nina Senators Honasan at Sotto

Marawi City – Pinuri nina Senate Majority Leader Tito Sotto III at committee on National Defense and Security Chairman Senator Gringo Honasan ang pagtungo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City.

Binisita ng Pangulo ang tropa ng gobyerno sa Marawi City kahapon kahit pa patuloy ang bakbakan doon.

Ayon kay Sotto, kilala na niya ang pagiging matapang ni Pangulong Duterte simula noong alkalde pa ito sa Davao City kaya hinid na niya ikinagulat ang pagtungo nito sa Marawi City.


Sabi ni Honasan, isa sa mga sukatan ng pagiging epektibo at mahusay na Commander in Chief ng Pangulo ay ang pagbibigay halaga nito sa moral at kapakanan ng mga pulis at sundalo na nakikipaglaban sa mga kaaway ng estado.

Diin ni Honasan, mas masusukat ang pagiging epektibo ng Pangulo bilang Presidente at bilang Commander in Chief sa oras na matapos at maisagawa nito ang misyon para sa rehabilitasyon, recovery at reconstruction ng Marawi City.

Facebook Comments