Relief goods para sa mga Muslim na bakwit, hindi makain

Marawi City – Hindi makain ng mga bakwit mula sa Marawi ang mga natanggap nilang relief goods.

Karamihan ng mga evacuees ay mga Muslim.

Pero wala raw tatak na “halal” ang mga pagkain na garantiyang walang halong karne ng baboy ang mga pagkain.


Reklamo pa ng mga ito, may natanggap pa silang mga de lata na ang laman ay pork sisig.

Kaya naman imbes na kainin ay ibinenta na lang nila ang mga ito.

Sumama rin ang loob ng ilan sa mga bakwit dahil sa isinamang bibliya na ibinigay sa kanila.

Kaagad namang nilinaw ng DSWD na hindi sa kanila galing ang relief goods.

Anila, may iba’t ibang government organizations din kasi ang nagbibigay ng tulong sa mga bakwit at hindi nila ito kontrolado.

Facebook Comments