Manila, Philippines – Napapanahon na para magbitiw sa kanyang pwesto bilang kalihim ng Department of Labor and Employment si DOLE Secretary Silvestre Bello III.
Ito ang nagkaisang panawagan ng grupong PAGGAWA o Pagkakaisa ng Manggagawa kay Pangulong Rodrigo Duterte na dapat sibakin na sa kanyang pwesto si Bello dahil naging pahirap lamang umano ang kalihim sa kapakanan ng mga manggagawa.
Ayon kina Rasti Delizo, Political Affairs Coordinator ng BMP, at Leody De Guzman, Convenor ng PAGGAWA o Pagkakaisa ng Manggagawa, binalewala at binaligtad ni Bello ang kautusan ni Pangulong Duterte na wala nang kontraktwalisasyon sa mga manggagawa.
Giit nina Delizo at De Guzman, pasaway umano si Bello sa mga Gabinte ni Pangulong Duterte dahil sa halip na tulungan ang mga manggagawa ay pumabor pa ang kalihim sa mga kapitalista sa pamamagitan ng kanyang Department Order na sinasabing wala ng pag-asa ang mga maliliit na manggagawa na magkaroon ng security of tenure sa kanilang mga trabaho.
DZXL558