*Cauayan City, Isabela*-Ipinapasakamay na nang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa mga Local Government Unit (LGUs) ang pagpapatupad sa biyahe ng mga pampubliko at pribadong traysikel sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.
Ayon kay Isabela Governor Rodito Albano III, mahigpit ng ipinagbabawal ang pamamasada ng mga pampubliko at pribadong tricycle sa mga lansangan para maiwasan ang posibleng pagkalat ng nasabing sakit.
Dagdag pa ng Gobernador na bawat LGUs ay gagawa ng mga guidelines sa pagpapatupad ng mahigpit na pagbabawal sa mga nasabing transportasyon.
Sa kabila nito ay kinakailangan na mayroong designated na mga tricycle sa bawat barangay sa buong probinsya para sa mabilis na transportasyon.
Samantala, sinimulan na aniya ang pamimigay ng mga relief goods ng tanggapan ng DSWD habang hinihintay na lamang iba pang tulong na manggagaling mula sa national government.
Paliwanag pa ni Albano na tanging mga LGUs ang magpapamahagi ng nasabing mga relief goods sa mga residente.