TRICYCLE DRIVERS SA PANGASINAN, UMAASA SA PANIBAGONG OIL PRICE ROLLBACK NGAYONG LINGGO

Daing ng mga tricycle driver ang hindi umano pagsubod ng ilang gasolinhan sa itinakdang ng oil price rollback nitong nakaraang linggo. Anila, mayroon man rollback, ngunit hindi pa naman nila ito nararamdaman.

Kamakailan lamang, nag-anunsyo ang DOE noong November 9, 2026, ng malaking rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo para sa November 10–16, 2026, kung saan bumaba ng P16.80 kada litro ang gasolina, P4.10 kada litro ang diesel, at P3.70 kada litro ang kerosene.

Ayon naman sa panayam ng IFM News Dagupan kay Fidel Guba, isang tricycle driver hindi umano nila gaanong nararamdaman ang naturang price rollback dahil sa hindi umano pare-parehong presyo ng mga gasolinahan, gayundin sa matumal na bilang ng mga pasahero.

Samantala, umaasa naman ang mga drayber sa posibleng panibagong rollback ngayong linggo, na inaasahang aabot sa P4.50 hanggang P4.80 kada litro para sa diesel at P2.70 hanggang P3.00 kada litro naman para sa gasolina.

Sa huli, umaasa ang mga drayber na sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, maibigay ang hinihiling nilang rollback sa presyo ng krudo upang kahit paano ay makabawi sila sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments