Pagbubukas ng klase, magiging makasaysayan at matagumpay – DepEd

Nakikita ng Department of Education (DepEd) na magiging makasaysayan at matagumpay ang pagbubukas ng School Year 2020-2021.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nasasabik na sila para sa mga batang gusto na ring magbalik eskwela.

Aniya, nagawa nilang palitan ang sistema sa loob lamang ng anim na buwan at nagawa nilang malagpasan ang inisyal na target ng enrollees.


Batid ni Briones na ang kasalukuyang school year ay magkakaroon ng aberya at abala.

Pero pagkatapos ng SY 2019-2020, sinimulan ng ahensya ang pagbuo sa Basic Education – Learning Continuity Plan (BE-LCP).

Para matiyak na tuluy-tuloy ang paghahatid ng education services, pinaigting ng DepEd ang communication systems para matiyak ang regular monitoring.

Dagdag pa ni Briones, ito rin ang kauna-unahan sa kasaysayan ng bansa na ang higit 24 na milyong estudyanteng naka-enroll sa pampubliko at pribadong paaralan ay hindi tuturuan sa apat na sulot ng silid-aralan, pero sa halip ay sa loob ng kanilang bahay.

Inaasahan din ng DepEd ang mga problema at isyung lulutang sa pagpapatupad ng blended at distance learning.

Facebook Comments