Pagbubukas ng klase sa Western Visayas, tuloy pa ring ngayong araw kahit sa ikinasang transport strike ng mga transport groups

Western Visayas – Tuloy pa rin ang pagbubukas ng klase ngayong araw sa mga elementary at high school sa buong Western Visayas.

Ito ang inihayag ng Department of Education kaugnay sa isinabay na transport strike ng mga jeepney operators at drivers bilang protesta sa modernization program ng LTFRB.

Sinabi ni Lea Belleza, information officer ng DepEd region 6 na pinapayuhan nila ang mga mag-aaral na pumasok sa mga paaralan kung malapit lang naman ang kanilang bahay habang nasa sound judgment na ng magulang kung papasukin o hindi ang kanilang mga anak kung malayo naman sa paaralan ang kanilang bahay.


Samantala, ilang paaralan sa lungsod ng Iloilo ang nagsasagawa ng libreng sakay sa kanilang mga estudyante upang makapasok sa unang araw ng pasukan.
Mayroon na ring contingency measures ang city government sa pakikipagtulungan sa PNP, BJMP, BFP at DepEd para sa mga empleyado ng city hall gayundin sa mga pasahero na maaring ma-stranded sa mga terminals bunga ng transport strike.
DZXL558

Facebook Comments