Walang seryosong banta sa pagbubukas ng klase sa bansa.
Ito ang sinabi ni AFP Spokesperson B/Gen Edgard Arevalo, sa harap ng nakatakdang pagbubukasa ng klase sa susunod na Linggo sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kay Arevalo, nanatili sa normal ang alert status ng AFP at hindi na kailangan pang itaas sa red alert status dahil walang banta sa seguridad para sa school opening.
Hindi naman daw kailangan pang itaas ang alert sa Mindanao dahil umiiral na ang martial law sa Mindanao.
Pero bilang bahagi ng pagbabalik eskwela sa susunod na Linggo kasama ngayon sa tutukan ng mga sundalo sa Mindanao ay mga salugpungan school na umanoy nagagamit ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines – New Peoples Army para gatungan ang mga kabataan na mag- rebelde sa gobyerno.
Babantayan aniya ng mga sundalo ang mga salugpungan school sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.