Malaking bagay ang pagbubukas kamakailan ng Pangasinan Provincial Balay Silangan ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Pangasinan.Sa naging panayam ng IFM Dagupan Kay PDEA Pangasinan Provincial Officer Rechie Camacho, dito ay mas matututukan ang mga kababayan na nalulong sa illegal drugs at gustong magbago.
Ang nasabing Pangasinan Balay Silangan ay may capacity na 88 katao na matatagpuan sa bayan ng Burgos, Pangasinan na ikalawang Balay Silangan sa buong Pilipinas na sumasaklaw sa isang probinsiya.
Sa ngayon ay may mga lokal na pamahalaan na aniya na nakipag-ugnayan na para sa Memorandum of Agreement o MOA lalo ang mga walang Balay Silangan upang magamit ito ng kanilang mga kababayang nalulong o nasangkot sa iligal na droga. | ifmnews
Facebook Comments