Lusot na sa ikalawang pagbasa ang pagpapataw ng buwis sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na nag-o-operate sa bansa.
Sa viva voce voting ay naaprubahan ang House Bill 5777 na layong patawan ng buwis ang mga POGO gayundin ang mga workers nito.
Inaamyendahan ng panukala ang National Internal Revenue Code of 1997.
Sa ilalim ng panukala, papatawan ng 5% franchise tax ang annual gross income ng mga POGO.
Papatawan din ang mga POGO workers ng withholding tax na katumbas ng 25% ng kanilang pinagsamang salaries, wages, annuities, compensation, remuneration, at iba pa tulad ng allowances at honoraria o katumbas ng minimum gross annual income na ₱600,000.
Inaasahan namang kikita ang gobyerno ng ₱45 billion kada taon sa pagbubuwis sa POGO.
Facebook Comments