Pagbuhos Ng Mga Motoristang Dadaan Sa Nlex, Asahan Na Mamayang Hapon

MANILA – Asahan na ang pagdami ng mga sasakyang dadaan sa North Luzon Expressway (NLEX) mamayang hapon.Sa panayam ng Rmn kay Kiko Dagohoy, tagapagsalita ng NLEX, kung karaniwan ay mahigit 200,000 motorista ang dumadaan doon araw-araw ay asahan na papalo pa ng 15% ngayong undas.Anya, napaghandaan na ng NLEX ang pagdagsa ng mga motoristang uuwi ng lalawigan partikular na ang pagdagdag ng mga toll fees upang hindi makasagabal sa daloy ng trapiko.Kabilang anya sa binabantayang choke point ay sa Balintawak, Bocaue, at sa bahagi ng Mindanao Avenue.Sa ngayon ay maluwag pa ang daloy ng trapiko sa Bocaue Toll Plaza.Sa mga motorista, sakaling magkaproblema sa daan ay maaaring tumawag sa NLEX hotline 8911.

Facebook Comments