
Iminungkahi ni Camarines Sur 3rd District Representative Nelson Legacion ang pagbuo ng Domestic Travel Affordability Task Force na syang magbabantay at bubuo ng solusyon sa napakalaking gastos sa pagbiyahe sa loob ng Pilipinas.
Sa kaniyang privilege speech sa Plenary session ng Kamara ay sinabi ni Legacion na ang task force ay bubuuin ng mga kaukulang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Tourism, Department of Transportation, aviation regulators, at airport operators.
Dismayado si Legacion na mas mura pa ang pamasahe at iba pang gastusin sa pagbiyahe sa ibang mga bansa kumpara sa domestic travel lalo na ang pamasahe sa eroplano.
Babala ni Legacion kung mananatili ang mataas na domestic airfares ay tiyak na maapektuhan ang ating turismo.










