Pagbuo ng medical reserve corps, itinulak ni Senator Imee Marcos

Isinusulong ni Senator Imee Marcos ang pagbuo ng Medical Reserve Corps (MRC) para sa mga health care workers bago pa sila tuluyang sumuko bunsod ng patuloy na pagtaas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, Cebu at Southern Mindanao.

Ang mungkahi ni Marcos ay nakapaloob sa inihain niyang Senate Bill 1592 na layuning mas makapaghanda ang bansa sa anumang health emergency.

Kabilang sa ituturing na medical reserve corps ang mga volunteer health care provider, indibidwal man o institusyon na sasanayin ng gobyerno at maaaring ipatawag anumang oras sakaling may health emergency at bibigyan ng sapat na sweldo.


Nakapaloob din sa panukalang batas ni Marcos ang pagkakaroon ng database para sa mga recruit na updated kada tatlong (3) buwan ng Department of Health (DOH), gayundin ng Professional Regulatory Commission (PRC) at ng Commission on Higher Education (CHED).

Ayon kay Marcos, kailangan din itong i-coordinate sa mga lokal na pamahalaan dahil sila ang magtatalaga ng mga quarantine area at maglalagay ng sapat na mga tauhan.

Facebook Comments